5 gumulpi sa Fine Arts grad, tugis
January 25, 2003 | 12:00am
Tinutugis ngayon ng pulisya ang limang suspect na bumugbog sa isang Fine Arts graduate sa Valenzuela City, noong nakalipas na Lunes ng madaling-araw.
Ang biktima na nakilalang si Ian Joy Noguera, 25, ay kasalukuyan pang sumasailalim sa obserbasyon sa pagamutan bunga ng tinamong matitinding sugat sa ulo at katawan.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa may Encarnacion St. sa Sta Monica compound matapos imbitahan ang biktima ng kanyang mga kakilala na sina Christian, Jeff, Lester at Yayay na sumama sa kanilang inuman.
Ipinakilala pa umano siya sa isa pang bisita na si Rommel Lagasca, alyas Balong na umanoy nagsisiga-sigaan sa lugar dahil sa may kaanak na opisyal ng pulisya.
Sa gitna ng inuman ay nagkaroon umano ng biruan hanggang sa biglang mapikon si Lagasca na unang humataw sa kanyang ulo ng matigas na bagay. Sumunod na umano ang iba sa paggulpi sa kanya hanggang sa mawalan siya ng malay tao.
Nang bumalik na ang kanyang ulirat ay pinilit niyang makauwi sa kanilang bahay na doon agad na siyang sinaklolohan ng kanyang ina at dinala sa pagamutan.
Mabilis na tumakas ang mga suspect na ngayon ay target ng operasyon ng pulisya. (Ulat ni Pete Laude)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest