6 CPD cop itinuturo sa 4 na sinalvage
January 24, 2003 | 12:00am
Pawang mga pulis sa Central Police District ang sinasabing responsable sa pagpatay sa apat na kalalakihan na natagpuan sa loob ng isang abandonadong delivery van, kamakalawa ng madaling araw sa Quezon City.
Kasabay nito, kinilala na ng kanilang mga kamag-anak ang mga nasawi na sina Angelito Nabong, 25, dating security guard; Crisanto Fidellaga, 30, painter; Crestituto Carsido, 25, at isang alyas Allan na isang police asset.
Ayon sa asawa ni Carsido, na ayaw magpabanggit ng pangalan na mga pulis na may codename na Kamandag, Barbie, Ranger, Apple, Boy at Pogi na pawang mga pulis sa Camp Karingal ang pinaniniwalaan niyang responsable sa pagpaslang sa apat.
Bagamat aminado ito na mandurukot ang kanyang asawa, sinabi ng ginang na ang mga ito ay protektado ng anim na pulis.
Kung magkakaroon umano ng police line-up ay maituturo niya ang mga pulis na responsable sa pag-salvage sa kanyang mister at sa tatlo pang kaibigan nito.
Magugunitang ang apat ay natagpuang magkakapatong at tadtad ng tama ng bala sa katawan at ulo sa loob ng isang van sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue, kamakalawa ng madaling araw. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended