^

Metro

4 salvage victims natagpuan

-
Apat na hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang magkakapatong sa loob ng isang van at tadtad ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan, kahapon ng madaling-araw sa panulukan ng Quezon Avenue at EDSA sa Quezon City.

Walang nakuhang anumang mapagkakakilanlan sa mga biktima na natagpuan sa likod na bahagi ng Mitsubishi L-300 van na walang plaka. Ito ay natuklasan ng MMDA traffic enforcer na si Nestor Bermijo dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Ayon kay Chief Inspector Ruel Vacaro ng SOCO na ang mga biktima ay binaril ng malapitan dahil sa tinamo ng mga itong tama ng bala ng baril sa sentido, batok at mukha.

Lumilitaw sa deskripsyon ng pulisya na ang mga biktima ay pawang nasa gulang na 20 hanggang 30 at may taas na 5’4 hanggang 5’7 talampakan.

Isa sa mga ito ay nakasuot ng pulang t-shirt, maong na pantalon at kulay asul na rubber shoes na Treton; dark blue naman ang suot na t-shirt ng isa at maong na pants; ang ikatlo ay nakasuot ng checkered na polo at maong, rubber shoes na Adidas, samantalang ang huli ay nakasando at maong na pantalon.

Sinabi ni Vacaro na walang tattoo ang mga biktima bagamat may nakuhang isang backpack na naglalaman ng ibat-ibang ATM card, ibat-ibang ID, mga wallet at bala ng .38 cal. rev.

Naniniwala ang pulisya na hindi sa EDSA pinaslang ang mga biktima kundi sa ibang lugar at doon na lamang iniwan upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Kasabay nito, bineberipika sa LTO kung sino ang nagmamay-ari sa sasakyang pinagtagpuan sa apat. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ADIDAS

APAT

AYON

CHIEF INSPECTOR RUEL VACARO

DORIS FRANCHE

MITSUBISHI L

NESTOR BERMIJO

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with