^

Metro

Suspect sa Llamas slay sumuko

-
Sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y suspect sa pagpatay kay Ateneo Law graduate Jose Ramon "Jay" Llamas.

Kahapon iprinisinta ni NBI director Reynaldo Wycoco ang sumukong suspect na si Cola Didato, pero nilinaw ng NBI chief na ngayon ay hindi na ito suspect kundi isang testigo.

Nabatid na sumuko si Didato sa tulong ni Dasmariñas Cavite Mayor Elpidio Barzaga, upang umano’y malinis ang kanyang pangalan.

Pinabulaanan din ni Didato ang naunang ulat na siya ay tumakas patungong Marawi City.

Napag-alaman na si Didato ang siyang unang nagmamay-ari ng motorsiklo na ginamit ng suspect na bumaril at nakapatay sa biktima.

Nakailang salin na rin umano ang may-ari nito at ang ika-apat na nagmamay-ari ay nakilalang si Bashir Abdul Rakman, na dito nakasentro ngayon ang imbestigasyon ng NBI.

Ang itsura umano nito ang positibong tumutugma sa mga deskripsiyon na ibinigay ng mga testigo.

Bunga nito’y nanawagan si Wycoco kay Rakman na sumuko na kung siya ang responsable sa krimen o kung di man ay malinis ang kanyang pangalan.

Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na si Rakman ay may nakabimbing kaso ng physical injury sa lalawigan ng Palawan.

Magugunita na si Llamas ay pinagbabaril at napatay makaraang makagitgitan nito ang suspect na lulan sa motorsiklo noong Enero 10 sa kahabaan ng Taft Avenue sa Buendia sa Pasay City.

Samantala, tapos na ang ginawang ballistic report ng pulisya hinggil sa balang pumatay kay Llamas.

Maituturing na ang naturang ballistic report ay isa sa mga susi para sa ikalulutas ng Llamas slay.

Pansamantala munang hindi ibinunyag ng pulisya kung kaninong baril ang ginamit sa pagpatay sa naturang biktima. (Ulat nina Grace dela Cruz at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ATENEO LAW

BASHIR ABDUL RAKMAN

CAVITE MAYOR ELPIDIO BARZAGA

COLA DIDATO

DIDATO

JOSE RAMON

LORDETH BONILLA

MARAWI CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with