Magtiyahin sugatan sa sumabog na pillbox
January 21, 2003 | 12:00am
Isang magtiyahin ang malubhang nasugatan makaraang masabugan ng pillbox na inihagis ng isang lasing na lalaki dahilan sa mainitang pagtatalo sa Caloocan City.
Kinilala ang dalawang biktima na ngayoy kasalukuyang ginagamot sa pagamutan ay nakilalang sina Anita Junio, 46, at ang pamangkin nitong si Jennilyn, 21, estudyante at kapwa residente ng #1271 R. Cena St. , Interior Salmon St., Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.
Agad namang naaresto ang lasing na suspect na si Jericho Alvir, 21, binata ng #1121 Salmon St., ng nasabi ring lugar.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Victor Lata ng Caloocan Police -Sub Station 2, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng mga biktima habang masaya ang mga itong nagkukuwentuhan.
Bigla na lamang umanong lumapit sa dalawa ang isang lalaki na susuray-suray sa kalasingan na nauwi sa pakikipagtalo sa mga biktima. Agad umanong naglabas ng pillbox ang suspect at inihagis sa mga biktima na tinamaan sa pagsambulat nito.
Mabilis namang nadakip ang suspect ng mga nagrespondeng kagawad ng Caloocan Police at ngayoy kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan habang inihahanda na ang kasong kriminal laban dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest