Sa inisyal na report ng Central Police District -Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) wala pang mapagkakilanlan ang biktima maliban sa deskripsyon nito na tinatayang nasa pagitan ng edad 30-40, katamtaman ang taas, nakasuot ng maong na short, kulay dilaw ang t-shirt na may tatak na Philipppine Merchant Marine Institute (PMMI).
Ayon kay PO2 Joseph Madrid, may hawak ng kaso, dakong alas-9 ng umaga nang pagkaguluhan ng mga residente ang bangkay sa Tullahan River sa Doña Tomasa Subdivision, Holy Cross, Brgy. San Bartolome ng nabanggit na lungsod.
Lumilitaw naman sa isinagawang eksaminasyon na ang bangkay ay isa hanggang dalawang araw ng patay.
Ang bangkay ay puno ng mga bugbog sa katawan at may butas ang kilay na pinaniniwalaang sanhi ng tama ng baril.
Malaki naman ang paniniwala ng mga awtoridad na ang nasabing lalaki ay biktima ng summary execution tulad ng naunang natagpuang bangkay ng isa pang lalaki sa nasabi ring ilog kamakalawa.
Magugunita na dakong alas-9:30 ng umaga kamakalawa nang matagpuan sa Pinero Compound sa Brgy. San Pedro, Bagbag Novaliches ang isang lalaki na nakagapos ng PLDT wire. (Ulat ni Doris Franche)