^

Metro

Mahigit 300 katao nabiktima ng cell card scam syndicates

-
Umaabot sa mahigit 300 katao ang nabiktima matapos malansi ng humigit kumulang sa P30M ng isang pinaniniwalaang malaking sindikato ng ‘cell card scam’ sa lungsod ng Makati.

Nasa kustodya ngayon ng Criminal Investigation Division (CID) ng Makati City Police ang mga suspect na nakilalang sina Melita Furto, 37; Imelda Furto, 43; Celestina Furto, 36; Reynaldo Furto, 34; pawang magkakamag-anak at Fe Reyes, 41; kapwa naninirahan sa #2711 -B Calles St., Brgy. Bangkal at mga kawani ng Maria Touch Trading na ang tanggapan ay matatagpuan sa General Apolinario St. ng nabanggit na barangay.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspect na nakilalang si Maria Niña Rebecca Marquez, itinuturing na pinuno ng sindikato na namamahala ng naturang kumpanya.

Base sa imbestigasyon, ang mga naging biktima ng mga suspect ay humigit kumulang sa 315 katao na pawang retirees at kawani ng intel., isang electronic company na matatagpuan sa South Super Highway, Brgy. Bangkal ng lungsod na ito.

Nabatid na dahilan sa matamis na pananalita ay nabola ng mga suspect ang mga biktima na mag-invest ng puhunan sa kanilang negosyong cell card na umabot sa P30M sa pangakong may matatanggap ang mga itong 20 porsiyentong interes kada buwan.

Noong una ay nakukuha pa umano ng mga biktima ang 20 porsiyentong tubo sa kanilang ini-invest na pera pero nang babawiin na ng mga ito ang kanilang kapital ay nagsara na ang Maria Touch Trading.

Nagsagawa ng vigil ang mga biktima sa boarding house ng mga suspect dakong alas-6 kamakalawa ng gabi upang hindi ang mga ito makatakas.

Sa takot na kuyugin ng mga biktima ay tumawag sa himpilan ng Police Community Precint (PCP) 3 ng Makati City Police ang mga suspect na humantong sa kalaboso matapos na mapag-alamang sangkot sa sindikato ng cell card scam. Patuloy na iniimbestigahan ang kaso. (Lordeth Bonilla)

B CALLES ST.

BANGKAL

BRGY

CELESTINA FURTO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

FE REYES

GENERAL APOLINARIO ST.

MAKATI CITY POLICE

MARIA TOUCH TRADING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with