4 patay sa killer truck
January 21, 2003 | 12:00am
Apat katao ang nasawi habang apat pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang salpukin ng isang 10-wheeler truck ang sinasakyan ng mga itong Tamaraw FX sa South Express Way, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Violy Toreloza, Christopher Fajardo; kapwa dead-on-the- spot sa insidente; Elmita Quinonez, 25; at Anthony Tagumpay, 30; pawang idineklara namang dead-on-arrival sa Ospital ng Muntinlupa.
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas ang mga malubhang nasugatang biktima na sina Jennifer Quiñonez, 24; Rodrigo Quiñonez, 52; Maria Victoria Lawig, may sapat na gulang at Eric Lawig matapos magtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nasa kustodya naman ng Muntinlupa City Traffic Enforcement Group ang suspect na nakilalang si Artemio Acosta, may sapat na gulang, ng Ignacio Blvd. East, Bank Road, Floodway, Pasig City.
Ayon sa witness na si Allan Dimpas, ng Philippine National Construction Company (PNCC) naganap ang malagim na sakuna dakong alas-11:35 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng SLEX, Southbound, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.
Napag-alaman na ang mga biktima ay lulan ng isang Tamaraw FX na may plakang TRW-957 ng bigla na lamang ang mga itong masiraan sa naturang lugar at hindi nila namalayan ang paparating na isang humahagibis na 10-wheeler truck na may plakang PNC-206 na minamaneho naman ni Acosta.
Hindi na umano nakontrol ng driver ang manibela kung saan ay tuluy-tuloy nitong sinalpok ang behikulo na sinasakyan ng mga biktima.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended