^

Metro

Bangkay ng rape victim natagpuan

-
Hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ang isang dalagita ng hindi pa nakikilalang salarin makaraang matagpuan ang halos naaagnas na bangkay nito na panty at bra lamang ang saplot sa katawan, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Inaalam pa ang pangalan ng biktima na tinatayang nasa edad na 15 hanggang 18-anyos, may taas na limang talampakan at ang buhok ay hanggang balikat.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Reynaldo Aguba, Pasay City police CID, dakong alas-8:25 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may damuhan sa likod ng GSIS Building sa Libertad Pumping Station sa Macapagal Avenue malapit sa Roxas Boulevard ng nabanggit na lungsod.

Malaki ang paniwala ng pulisya na ginahasa muna ang biktima bago inihampas ang ulo nito sa matigas na bagay na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Natagpuan pa sa tabi ng bangkay nito ang isang brief ng lalaki at t-shirt.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

HINIHINALANG

INAALAM

LIBERTAD PUMPING STATION

LORDETH BONILLA

MACAPAGAL AVENUE

MALAKI

PASAY CITY

REYNALDO AGUBA

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with