Estudyante tumalon sa overpass, nakaladkad ng taxi buhay!
January 19, 2003 | 12:00am
Katulad ng pusa na may siyam na buhay, milagrong nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon buhat sa overpass sa España Blvd. sa Sampaloc, Manila na matapos bumagsak ay nakaladkad pa ng may ilang metro ng dumaraang taxi, kamakalawa ng gabi.
Si Danilo Vizco, 19, estudyante, ng Catalina St., Mayon, Quezon City ay kasalukuyang inoobserbahan sa UST Hospital. Ayon sa mga doktor nabali ang kanang hita nito, bukod pa ang sugat sa ulo at iba pang pasa sa buong katawan.
Ayon sa kapatid nito na si Marlene, isang suicide note ang nakuha sa wallet ni Danilo. Gayunman tumanggi ang mga ito kung ano ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng kanyang kapatid.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Donato Tan, lumalabas na si Vizco ay tumalon buhat sa overpass ng España dakong alas-10:45 ng gabi. Matapos bumagsak sa kalsada at nakaladkad pa ito ng dumaraang Tsukasa taxi nang may ilang metro.
Mabilis din namang sumuko ang taxi driver matapos ang aksidente. (Ulat ni Nestor Etolle)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended