^

Metro

Mag-biyenan kinatay ng adik na kapitbahay

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang mag-biyenan ng adik nilang kapitbahay, kahapon ng madaling-araw sa Tondo Manila.

Nakilala ang nasawing mag-biyenan na sina Alma Grace Castro, 25, at Modesto Ferrer, 48, kapwa residente ng #2224 Rey Varona St., ng nasabing lugar. Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng tig-limang saksak sa kanilang mga dibdib.

Samantala, nakilala naman ang nadakip na suspect na si Joseph Dacillo, 23. Ito ay positibong kinilala ng testigong si Ildefonso Pascual, 42, na umano’y huli niyang nakitang galing sa bahay ng mga biktima.

Ang labi ng dalawang biktima ay natuklasan ng anak ni Ferrer na si Albert dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Bagamat inamin ng suspect na galing siya sa bahay ng mga nasawi, sinabi nito na nagbenta lamang siya ng pajama at walang kinalaman sa naganap na krimen.

Narekober ng pulisya sa loob ng bahay ng mga biktima ang iba’t ibang paraphernalia na ginagamit sa pagsinghot ng shabu at sachet na naglalaman pa ng shabu.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng biglaan ang ginawang pagpasok ng suspect sa bahay ng mga biktima habang ito ay nasa impluwensiya ng droga. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALMA GRACE CASTRO

BAGAMAT

CRUZ

ILDEFONSO PASCUAL

JOSEPH DACILLO

MALAKI

MODESTO FERRER

REY VARONA ST.

TONDO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with