Ginang nahulihan ng shabu sa pulbos
January 18, 2003 | 12:00am
Isang ginang na dadalaw sa isang preso ang nadakip ng mga kagawad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos makumpiska dito ang shabu na nakahalo sa pulbos, kamakalawa sa Makati City Jail.
Nakilala ang nadakip na ginang na si Jean Ancheta, 38, ng Barangay Guadalupe Nuevo ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na dakong alas-2 kamakalawa ng hapon nang magtungo sa piitan ang ginang para dalawin ang presong si Ramon Mendiola Jr. na may kasong grave threats, alarm scandal at illegal possession of firearm.
Nagduda umano si Jail Officer 1 Evamarie Tenedora dahil sa kahina-hinalang kilos ng suspect kayat nagsagawa ng inspection laban dito.
Ininspeksyon ang lahat ng personal na gamit ni Ancheta at nakita na nakahalo sa talcum powder nito ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended