'Justice for Llamas' pangako ng Aquila Legis fraternity
January 18, 2003 | 12:00am
Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang napatay na Ateneo Law graduate na si Jose Ramon Llamas, kasabay naman ng pangako ng kanyang mga ka-brod sa Aquila Legis fraternity na hindi sila titigil hanggat hindi nito nakakamit ang hustisya.
Ayon kay dating presidential legislative liason officer Jimmy Policarpio na isang legal team ang binuo ng kanyang mga ka-brod sa fraternity para magsilbing mga prosecutor sa Llamas case.
Ang naturang team ay pangungunahan ni Atty. Vic Verdadero.
Tutulungan din ng mga abogado ang mga testigo, isa nga rito ay nakakita sa gunman.
Kaugnay nito patuloy ang ginagawang pakikipag-koordinasyon ng grupo sa PNP at NBI.
Idinagdag pa nito na matapos na maaresto ang gunman ni Llamas, sisimulan din ng kanilang fraternity ang kampanya para sa "total" gunless society.
Si Llamas 26, ay crinimate na kahapon ng hapon sa Loyola Memorial Crematorium sa Parañaque. (Ulat ni Nikko Dizon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am