^

Metro

Kaanak ni Llamas nalilito sa magkaibang imbestigasyon ng NBI at Pasay PNP

-
Nalilito umano ang ilang kaanak nang napaslang na Ateneo Law graduate na si Jose Ramon Llamas dahil sa magkaibang imbestigasyon ng Pasay City Police at National Bureau of Investigation (NBI).

Lumulutang sa imbestigasyon ng Pasay City Police, posibleng pulis ang pumatay kay Llamas base na rin umano sa pahayag ng isa sa tatlong saksi.

Kakaiba naman ito, sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng NBI na kumilala naman sa isang Cola Didato, 38, negosyante buhat sa Cavite na siyang gunman ni Llamas.

Nabatid na si Didato ang may-ari ng motorsiklong nakagitgitan ng biktima sa gitna ng trapik na naganap noong nakalipas na Enero 10, dakong alas- 4:10 ng hapon sa Buendia-Taft Avenue sa Pasay City.

Matapos na maberipika sa Land Transportation Office (LTO) ang naturang sasakyan ang may-ari na si Didato ang itinuturing na suspect.

Hawig din ito sa cartographic sketch na ibinigay ng ilang mga testigo sa NBI.

Dahil dito, litung-lito na ang mga kaanak ng biktima kasabay nang pagsasabing sana naman ay tunay na suspect ang tunguhan ng imbestigasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ATENEO LAW

BUENDIA-TAFT AVENUE

COLA DIDATO

DIDATO

JOSE RAMON LLAMAS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LORDETH BONILLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with