^

Metro

Salvage victim natagpuan sa loob ng van

-
Hinihinalang dumanas ng matinding torture ang isang lalaki bago ito pinatay makaraang matagpuan ang bangkay nito na nakatali ang leeg ng lubid at nakalagay sa isang inabandona at nakaparadang van kahapon ng madaling-araw sa Taguig.

Habang sinusulat ang balitang ito, blangko pa ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng biktima, nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Alain Sigua, ng Criminal Investigation Division (CID), Taguig Police, nakatanggap ng impormasyon ang nabanggit na himpilan buhat sa ilang residente na mayroong bangkay ng lalaking natagpuan sa loob ng isang inabandonang van sa Mini Park, Fort Bonifacio, Global City ng nabanggit na bayan.

Nabatid na nakatali ang leeg ng biktima ng abakang lubid at hinihinalang dumanas ng matinding torture bago ito pinagbabaril hanggang sa mapatay.

May hinala pa rin ang pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at iniwan na lamang sa nabanggit na lugar.

Natagpuan sa bangkay ng biktima ang isang gas station receipt mula sa Lipa City. Sa ngayon ay iniimbestigahan ng pulisya kung ang lalaki ay biktima ng kidnapping. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALAIN SIGUA

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

FORT BONIFACIO

GLOBAL CITY

HABANG

LIPA CITY

LORDETH BONILLA

MINI PARK

TAGUIG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with