^

Metro

US missionary, 1 pa minasaker

-
Isang US missionary at ang 21-anyos na katulong nito ang iniulat na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng pamangkin ng una, kahapon ng madaling-araw sa Culiat, Quezon City.

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng mga biktimang sina Myrnaloie Beebe, 58, ng Osborne Missionary at ang katulong nito na si Jovielyn Parejo, 21, ng 13 Viola St., St. Dominic Subdivision, Culiat, Quezon City.

Mabilis namang tumakas ang suspect na pamangkin ni Beebe na si Ralph kasama ang isang kaibigan nito na nakilala lamang sa pangalang Nino matapos ang isinagawang krimen.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Rodrigo Barrameda ng CPD-Criminal Investigation Unit naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa mismong kuwarto ng mga biktima.

Nauna rito, sinabi ng security guard na si Willy Binuelas na nagpipilit na pumasok ang mga suspect subalit hindi niya ito pinapasok dahil sa disoras na ng gabi.

Hindi malaman kung saan dumaan ang mga suspect.

Nang makarating sa bahay ng tiyahin, agad na tinungo ng mga suspect ang kuwarto ni Beebe na nang maalimpungatan sa pagkakatulog at makitang kinukulimbat ng mga suspect ang kanyang mga gamit ay nagsisigaw.

Mabilis na inundayan ng suspect ng sunod-sunod na saksak sa katawan ang matanda hanggang sa magising ang katulong na si Parejo na nagtangkang koberan ang kanyang amo kaya siya naman ang pinagbalingang saksakin.

Nabatid ng pulisya na pinag-aaral ni Beebe at ginawa nitong personal assistant si Parejo bagay na ipinagselos at ikinagalit ng suspect.

Dahil dito’y plinano nito na nakawan ang kanyang tiyahin.

Dala sa pagtakas ng mga suspect ang mga alahas ng biktima, dalawang cellphone at cash na nagkakahalaga ng P73,920. (Ulat ni Doris Franche)

BEEBE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CULIAT

DORIS FRANCHE

JOVIELYN PAREJO

MABILIS

MYRNALOIE BEEBE

QUEZON CITY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with