Ito ang tiniyak kahapon sa isang pahinang memorandum na ipinadala ng panel of prosecutors sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Archimedes Manabat kay DOJ Chief State Prosecutor Jovencito Zuño.
Sinabi ni Zuño na sa kasalukuyan ay kanila nang binubusisi ang nasabing kaso at inaasahang ipapalabas ng DOJ panel ang kanilang hatol ngayong buwan ng Enero sa ilalim ng liderato ni incoming Justice Secretary Simeon Datumanong.
Sinabi naman ni Manabat na natapos na nila ang pag-aaral sa mga dokumentong isinumite sa kanilang tanggapan at ang kanila umanong desisyon ay base lamang sa mga dokumentong kanilang natanggap.
Subalit ang iba pa umanong testimonya at dokumento ay hindi na nila isasama sa kanilang gagawing paghatol.
Nabatid na isinagawa ng DOJ ang preliminary investigation noong Oktubre 21, 2002 at binigyan nila ng pagkakataon ang pangunahing akusado na si Rod Lauren Strunk upang magsumite ng kanyang counter affidavit noong Nobyembre 4, 2002. (Ulat ni Gemma Amargo)