^

Metro

Bagitong pulis timbog sa shabu

-
Isang bagitong "hoodlum in uniform" ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug raid, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nadakip na suspect na si PO1 Angelito Panganiban, nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bicutan, Taguig.

Nakatakas naman ang kanyang mga kasabwat na mag-asawang sina Rogelio Besa at Melinda, kapwa residente ng #46 G. Magdim Compound, Quezon City.

Ayon sa ulat, ni-raid ng mga operatiba ng PDEA at Anti-Crime Task Force (ACTAF) ng AFP ang bahay ng mag-asawang Besa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court.

Dito nasorpresa si Panganiban kung saan nakumpiska sa kanyang posesyon ang limang pakete ng shabu, habang agad na nakatunog ang mag-asawang Besa at nakatakas.

Sa paghahalughog ng mga awtoridad, nakumpiska ang tinatayang 142.1 gramo ng shabu sa loob ng naturang bahay.

Nakadetine ngayon ang suspect na si Panganiban at anak ng mga Besa na si Rogelio Jr. habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong Comprehensive Drugs Act of 2002. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANGELITO PANGANIBAN

ANTI-CRIME TASK FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

MAGDIM COMPOUND

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGANIBAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with