Taxi driver tinarakan, patay
January 14, 2003 | 12:00am
Kamatayan ang kinahantungan ng isang taxi driver makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang mga lalaki matapos na magtalo dahil sa mabilis ang patak ng metro ng taxi ng una, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Manila.
Laslas ang leeg at luwa ang bituka nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Juan Carpio, 38, may asawa at residente ng #13 Dinorado St., Fairview, Quezon City.
Sa report ni Det. Alfredo Salazar, ng WPD Homicide Division, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang makitang duguang nakahandusay si Carpio sa loob ng kanyang minamanehong taxi na nakaparada malapit sa East West Bank sa España Boulevard, Sampaloc.
Ayon sa salaysay ni Jose Andres Jr., 22, security guard ng nasabing bangko bago naganap ang insidente ay nakita umano niya ang tatlong lalaki na mabilis na lumabas ng taxi na parang takot na takot.
"Binalewala ko noong una dahil akala ko bumaba lang ang mga pasahero subalit nagtaka ako dahil ilang minuto na ang nakakalipas ay di pa umaalis ang taxi kaya nilapitan ko na lang at doon ko nakita ang nakahandusay na driver," pahayag pa ni Andres.
Narekober mula sa gamit ng biktima ang kanyang NOKIA 3310 na cellphone at ang P510 na kita nito sa magdamag pa pagpapasada. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended