^

Metro

Barilan ng pulis at mga tanod: 6 sugatan

-
Makaraang hindi napagbigyan ang kasong inaarbor, nagbarilan ang isang Quezon City police at limang mga barangay tanod na ikinasugat din ng mga ito sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya ang nagbarilan ay sina SPO3 Venancio Herrera, 40, ng 94 Robel St., Freedom Park 4 Barangay Batasan Hills na nakatalaga sa CPD Station 6 at ang mga tanod na sina Fernando Falerno, 24; Jelly Trabaho, 30; Noel Orguilla, 27; Rey Parenasa, 40 at Felix Berto Catalan, 39, pawang residente sa Barangay Batasan Hills ng nabanggit ding lungsod. Ang mga nabanggit ay pawang ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Naganap ang insidente dakong alas-9:45 kamakalawa ng gabi nang sitahin at arestuhin ng mga barangay tanod ang pamangkin ni Herrera na si Rodrigo Rapin na may dalang patalim.

Ayon sa pahayag ng mga tanod, ikinulong si Rapin subalit nais itong aregluhin ni Herrera na hindi naman napagbigyan ng mga ito.

Hiniling ng pulis na kakausapin lamang niya ang kanyang pamangkin na pinagbigyan naman ng mga tanod, subalit ilang minuto lamang ang nakalipas ay bigla itong pinatakbo at pinatakas ng pulis.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa magpaputok umano ang mga tanod na naging dahilan upang gumanti si Herrera.

Ayon naman kay CPD- PIO chief Chief Inspector Bart Bustamante na iniimbestigahan nila kung bakiy may mga baril ang mga BSDO o tanod at kung totoo na inaarbor ng pulis ang kaso ng kanyang pamangkin.

Matapos ang insidente, hindi na narekober ng pulisya ang ginamit na baril sa barilan. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BARANGAY BATASAN HILLS

CHIEF INSPECTOR BART BUSTAMANTE

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FELIX BERTO CATALAN

FERNANDO FALERNO

HERRERA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with