^

Metro

Nagbiro sa bagong gising, mekaniko dinedo

-
Minsan pang napatunayan na totoo ang kasabihang "magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising" matapos na ito ang naging dahilan ng kamatayan ng isang mekaniko kamakalawa ng hapon sa Navotas, Metro Manila.

Patay na nang idating sa Tondo Medical Center ang biktimang si Joselito Cordero, 36, ng Masikap St. Tanza,Navotas matapos na saksakin ng dalawang ulit ng kanyang biyenan na si Domingo dela Cruz, 50, ng Rosas St. Merville Subd.

Si dela Cruz ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya makaraang tumakas matapos ang pananaksak.

Batay sa ulat ni SPO1 Alexander Acusin, dakong alas 2:10 ng hapon ng mangyari ang insidente sa kahabaan ng Aldelfa St. Navotas.

Kausap ng biktima ang kanyang biyenang babae nang dumaan sa kanilang harapan ang suspect na kagigising lamang.

Biniro ng biktima ang suspect na ikinagalit nito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa nakaraang alitan.

Binunot ng suspect ang kanyang dalang balisong at inundayan ng saksak ang manugang. (Ulat ni Rose Tamayo)

ALDELFA ST. NAVOTAS

ALEXANDER ACUSIN

CRUZ

JOSELITO CORDERO

MASIKAP ST. TANZA

METRO MANILA

NAVOTAS

ROSAS ST. MERVILLE SUBD

ROSE TAMAYO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with