Chop-chop na katawan nagkalat sa 3 lugar sa QC
January 12, 2003 | 12:00am
Putul-putol na bahagi ng katawan ng pinaniniwalaang dalawang tao ang natagpuan sa tatlong magkakahiwalay na lugar kahapon ng madaling araw at kahapon ng umaga sa Quezon City.
Batay sa report ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), unang nakita ang putol na braso at hita sa isang dumpsite sa Lupang Ormucia, Chief ng Payatas Operation Group.
Ang kanang braso ay may tattoo na Bahala Na Gang (BNG) samantalang ang kaliwang hita naman ay may nakamarka na Yo".
Sinundan naman ito ng pagkakatagpo dakong alas-7 ng umaga sa tapat ng 680 Home Appliances ng isang garbage bag na naglalaman naman ng torso ng isang tao na may tattoo ng bulaklak sa likurang bahagi ng balikat.
Wala itong kamay, paa at ulo. Ito ay natagpuan ng isang tauhan ng MMDA metro aide na si Elizabeth Palisoc.
Isang oras naman ang nakalipas nang matagpuan sa MRT-North Ave. Station ang isa pang kaliwang braso na may tattoo at marking na Batang City Jail, Boy Turla at alas.
Ayon kay CPD director Sr. Supt. Napoleon Castro, posibleng ang mga nakitang chop-chop na katawan ay biktima ng summary execution dahil na rin sa mga talamak na gawain ng mga nito.
Gayunman, pinasisiyasat pa rin ni Castro ang insidente upang malaman kung sino ang nasa likod ng salvaging. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended