Sa ulat ng pulisya, nakilala ang nasawing suspect na si Armando dela Cruz, 40, ng 2nd St., Sto. Domingo, Barangay Holy Spirit ng nasabing lungsod.
Samantala, nasugatan naman sa naturang insidente ang pulis na si PO2 Alejo Ormilla na binaril ng nagwawalang suspect.
Batay sa ulat naganap ang insidente dakong alas 12:10 ng madaling-araw sa labas ng bahay ng suspect.
Napag-alaman na humingi ng tulong sa pulisya ang kapitbahay ng suspect na si Juliet Calano dahil sa pagwawala ng una na armado ng baril.
Dahil dito, agad na nagresponde ang mga pulis kabilang si Ormilla na nagprisinta pang kumausap sa suspect dahil sa tiyuhin niya ito.
Papalapit na ang pulis sa suspect ng bigla na lamang barilin ng huli ang una dahilan naman upang tuluyan na itong paputukan ng iba pang nagrespondeng pulis na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Hindi naman mabatid pa kung bakit nag-amok ang suspect. (Ulat ni Doris Franche)