Customs collector na hindi nag-remit ng P53.2-M collections, dinakip
January 10, 2003 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs makaraang mabigo itong mag-remit ng koleksyon ng gobyerno na nagkakahalaga ng P53.2 milyon.
Ang suspect na si Ernesto Fajardo, 45, naninirahan sa El Grande Avenue, B.F. Homes, Las Piñas City ay inaresto ng mga ahente ng NBI sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay agad na sinampahan ng kasong plunder.
Si Fajardo ay dinakip alinsunod na rin sa kahilingan ni Bureau of Customs Commissioner Antonio Bernardo dahil umano sa maling paggamit ng pondo ng pamahalaan at hindi pagsusumite ng koleksyon.
Natuklasan ang katiwalian matapos na magsumite ng ulat si State Auditor Prudencia Bautista kung saan nabatid na hindi ini-remit ng suspect ang mga sales ng documentary stamps at ng mga forms ng BOC mula buwan ng Enero hanggang Oktubre 2002 na may kabuuang halagang aabot sa P53.2 milyon. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest