Promotion agency nilooban: 2 patay
January 10, 2003 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi, kabilang ang isang negosyante makaraang pagsasaksakin sila ng isang grupo ng hindi nakikilalang kalalakihan na nanloob sa promotion agency ng una, kahapon sa Makati City.
Sa sketchy report na natanggap ni SPO4 Leonardo Timtiman, chief ng homicide section ng Makati City Police nakilala ang mga nasawi na sina Vicente Banzuela, presidente ng Jovic International Promotion at Lito Alvarez, guwardiya sa nabanggit na kompanya.
Ang mga biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Saint Claire Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Mabilis namang nagsipuga ang hindi pa nakikilalang mga salarin matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jovenal Barbosa, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa tanggapan ng biktima na matatagpuan sa Calatagan St., Brgy. Palanan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na pinasok ng mga suspect ang tanggapan. Tinangka umanong pagnakawan ng mga salarin ang tanggapan, subalit nang mabungaran ang mga biktima ay pinagsasaksak na ang mga ito.
Hindi pa malinaw sa ulat kung anu-ano at kung magkano ang nakulimbat ng mga salarin.
Patuloy pang sinisiyasat ang naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest