Mga residente ng 'home along d riles' magmamatigas
January 9, 2003 | 12:00am
Hindi kami aalis!!!
Ito ang sinabi ng mga residente ng Caloocan City na naninirahan sa tabing riles ng tren na nakatakdang paalisin sa pagsisimula ng proyektong Manila-Clark Rapid Railways.
Nangangamba ang mga residente na mangyari rin sa kanila ang sinapit ng ibang pamilya na inilipat sa relocation sites kung saan pinabayaan lang umano ng gobyerno dahil walang sapat na makukuhang pangkabuhayan kung kayat nagbabalik sa Kamaynilaan.
Iginiit ng mga residente na aalisin sa kanila ang kabuhayan na matagal na nilang nakasanayan dahil ang paglilipatan sa kanila ay malayo sa kanilang mga trabaho.
Nauna rito, nagpulong ang lokal na opisyal ng Caloocan at si Urban Development Coordinating Council Sec. Michael Defensor at tinalakay ang madaliang relokasyon ng mga maaapektuhang pamilya kapag sinimulan na ang nasabing proyekto.
Nabatid na bibigyan ng maayos na lugar at pabahay ang mga maaapektuhang pamilya sa Towerville San Jose Del Monte, Bulacan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am