^

Metro

Dalaga hinoldap muna bago ginahasa

-
Isang dalaga ang hinoldap muna bago ginahasa ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa boundary ng Mandaluyong at Makati City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Jose Ramon Salido, hepe ng Station Investigation Division ng Makati City Police ang biktima ay itinago sa pangalang Lilet, 21, ng Del Remedio, San Pablo, Laguna.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa may Guadalupe Bridge.

Nabatid na habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar ay bigla na lamang itong tinutukan ng suspect na nagdeklara ng holdap.

Kinaladkad umano ang biktima sa madilim na lugar malapit sa Mandaluyong at doon isinagawa ang panggagahasa.

Matapos makuha ang gusto ay inuntog pa ang ulo nito sa semento.

Matapos ang insidente ay kaagad na nagtungo ang biktima sa pulisya at isinalaysay ang kanyang sinapit sa kamay ng suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DEL REMEDIO

GUADALUPE BRIDGE

JOSE RAMON SALIDO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MANDALUYONG

MATAPOS

SAN PABLO

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with