Shootout: Holdaper sugatan, 1 pa tiklo
January 9, 2003 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang isang holdaper, samantalang isa pa niyang kasamahan ang naaresto makaraang makipagpalitan ng putok sa tauhan ng Central Police District, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang suspect na si Arnie Licudan, 20, samantalang nakakulong naman sa CPD-Station 5 si Richard Case, 27.
Kasalukuyan namang nagsagawa ng manhunt operation ang CPD laban sa tatlo pang suspect na nakilala sa mga pangalang Jerry, Jimboy at Allan.
Batay sa report na tinanggap ni CPD director Sr. Supt. Napoleon Castro, alas-9 kamakalawa ng gabi ng maganap ang shootout sa panulukan ng Regalado Avenue at Commonwealth Ave., QC.
Patungong SM Fairview at sakay ng pampasaherong jeep na may plakang TVU-798 ang magkakapatid na biktimang sina Jalalia, Bulawan, Musor at Gemma Lilia Deripusing.
Hindi akalain ng mga biktima na kasakay nila ang limang kilabot na holdaper kung saan bigla na lamang nagdeklara ng holdap.
Nakatawag naman ng pansin ni Sr. Insp. Manuel Abayon ang ginawang pangungulimbat ng mga suspect sa mga biktima kung kayat sinita nito.
Subalit bigla na lamang pinaputukan ni Licudan si Abayon na naging dahilan upang gumanti ng putok ang huli.
Tinamaan sa katawan si Licudan at nakuha sa kanya ang .38 revolver, bala at granada. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended