^

Metro

6 na opisyal ng PNP-IG ipinaaaresto ng QCRTC

-
Ipinaaaresto ng Quezon City Regional Trial Court ang anim na opisyal ng Philippine National Police (PNP)- Intelligence Group matapos iharap ang kasong murder laban sa kanila kaugnay sa pagpaslang sa isang hotel executive at sa 18-anyos na estudyante sa isinagawang anti-kidnapping operations noong 2001 sa Quezon City.

Sa isang pahinang desisyon ni QCRTC Judge Ma. Theresa Yadao, ang pag-isyu ng warrant of arrest laban kina Supt. Edgar Iglesia; Chief Inspector James Mejia; Senior Inspector Edwin Portento at Inspectors Preston Bagangan, Ceasar Percival at Christine Tabdi ng PNP-IG ay bunsod na rin ng pagkakaroon ng probable cause sa kasong murder at frustrated murder na isinampa laban sa mga ito.

Ayon kay Yadao ng Branch 81, naantala ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa anim dahil na rin sa "urgent motion for the judicial determination" at "deferment of action on the issuance of warrants of arrest" na inihain ng magkabilang panig.

Batay sa rekord ng korte, ang kaso ay nag-ugat sa pagkapaslang kay Fernando Fernando Lozada, chief steward ng New World Hotel at Marianne Uson, 18, kaugnay sa anti-kidnapping operation na isinagawa ng mga operatiba noong Mayo 17, 2001 sa G. Araneta Avenue sa Quezon City.

Sugatan naman sa naturang insidente si Clarissa, 17, anak ni Lozada.

Matatandaan na ang mga biktima ay napatay matapos na mapagkamalang kidnappers ni Mark Harris Bacalla, anak ng yumaong QCRTC Judge Marciano Bacalla na dinukot noong Mayo 2, 2001.

Inirekomenda naman ng korte ang piyansa na P120,000 bawat isa para sa kasong frustrated murder. (Ulat nina Doris Franche at Angie dela Cruz)

ARANETA AVENUE

CEASAR PERCIVAL

CHIEF INSPECTOR JAMES MEJIA

CHRISTINE TABDI

DORIS FRANCHE

EDGAR IGLESIA

FERNANDO FERNANDO LOZADA

INSPECTORS PRESTON BAGANGAN

INTELLIGENCE GROUP

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with