Traffic enforcer tinutukan ng baril ng trader, inatake
January 8, 2003 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ang isang traffic enforcer ng Makati Public Safety Assistance (MAPSA) matapos umano itong tutukan ng baril ng isang mayamang negosyante na kanyang sinita sa traffic violation dahilan upang atakihin sa puso ang una, kamakalawa sa Makati City.
Patay ang kalahating katawan at nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang biktima na nakilalang si Johnny Lao, 26, binata, ng Reyes Avenue ng nabanggit na lungsod.
Kinilala naman ang suspect na si Andresito Araneta Aguila, ng MacKinly Road ng naturang siyudad na nasa kustodya ng Makati City Police.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas- 3 ng hapon sa panulukan ng Sen. Gil. Puyat Avenue at Paseo de Roxas.
Nabatid na nagkaroon ng argumento sa trapik ang suspect at ang dalawang complainant na nakilalang sina Ronaldo Aquino at Hermogenes Tagudena, 36.
Nabatid na rumesponde si Lao sa naturang insidente at nagkaroon umano ng paglabag sa batas trapiko ang suspect.
Sinita ni Lao ang suspect na ikinagalit ng huli at binunot nito ang baril at saka itinutok sa una.
Dahil sa matinding takot, inatake sa puso si Lao na naging dahilan upang malagay ito sa kritikal na kondisyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended