QC shootout: 2 holdaper patay
January 7, 2003 | 12:00am
Napatay ng mga tauhan ng CPD-Intelligence Unit ang dalawang holdaper, samantalang nadakip pa ang isa nilang kasamahan sa naganap na madugong shootout, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ni Chief Inspector Rudy Jaraza ang mga nasawing holdaper na sina Dante Galoso na dead on arrival sa East Avenue Medical Center at Reynaldo Maranan na nasawi habang ginagamot sa nabanggit na pagamutan.
Nadakip naman ang isa nilang kasamahan na si Elizalde Cardinio, ng Barangay Culiat, Quezon City.
Base sa ulat, ang tatlo ay sangkot sa panghoholdap at pagpaslang kay Carmen Moje, 63, retired govt employee at sa isang Gonzalo Abagon, driver ng Mega Taxi. Si Abagon ay biktima din nang panghoholdap ng tatlo ay namatay sa VMMC.
Sa isinagawang follow-up operation natunton ang tatlo sa may Visayas Avenue na dito pumalag at nanlaban ang mga suspect.
Agad na pinaputukan ng mga suspect ang grupo ng pulisya kaya napilitan naman ang mga huli na gantihan ang grupo ng mga suspect na naging dahilan para tamaan at mapatay ang dalawa sa mga ito.
Bukod sa mga baril, nakakuha rin ang pulisya sa mga suspect ng isang fragmentation grenade. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am