^

Metro

White wash: Kaba ng kaanak ng minasaker sa Pasay

-
White wash. Ito ang pinangangambahan ngayon ng mga kaanak ng napaslang na isang dating pulis Pasay sa kasong isasampa nila laban dito kasabay na rin ng kahilingan na idiretso na ito sa Department of Justice (DOJ) at huwag na sa Pasay City Prosecutors Office dahil sa marami umanong kuneksiyon ang suspek sa naturang lungsod.

Ayon sa report na natanggap ng Pasay City Police, labis na nangangamba ang mga kapamilya ng naging biktima na si P03 Joey Salazar na magkaroon ng white wash dahil hindi malayong maimpluwensiyahan ng mga kakilalang piskal ng suspek ang kaso.

Hiniling sa Pasay City Police ng kapamilya ng biktima na sina Anthony Petilla, 25; Catalino Bautista at Joselito Manlangit na idirekta na lamang sa DOJ ang kaso upang makatiyak naman umano sila na uusad ang kaso laban kay Salazar at sa pamangkin nitong si Borbie.

Nabatid na ipinagmamalaki pa umano ng naturang suspek na ang kanyang asawa ay pamangkin ni Sen. Robert Barbers kaya’t higit ang pangamba ng pamilya ng biktima na maimpluwensiyahan ang kaso at ito ay mauwi sa wala.

Matatandaan na noong Lunes, ika-30 ng Disyembre ng nakaraang taon, dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa Protacio St., nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ni Salazar at ng kanyang pamangking si Borbie ang mga biktima na malubha ring ikinasugat ng dalawa pa na nakilalang sina P02 Bernard Cubero ng Western Police District, Traffic Enforcement Unit at ina ni Anthony na si Antonieta Petilla.

Nabatid pa na noong Biyernes din ay naging tulay ang pahayagang Philippine Star para sa pagsuko ni P03 Salazar na ngayon ay nasa custody na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO). (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANTHONY PETILLA

ANTONIETA PETILLA

BERNARD CUBERO

BORBIE

CATALINO BAUTISTA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOEY SALAZAR

JOSELITO MANLANGIT

PASAY CITY POLICE

SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with