^

Metro

Maintainer ng shabu lab, nasa bansa pa

-
Nasa bansa pa ang isa sa mga suspect na sangkot sa pagtatayo ng shabu laboratory sa Barangay Damayang Lagi na sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Ito ang inihayag kahapon ni Chief Inspector Rudy Jaraza, chief ng CPD-DPIU kasabay nang pagsasabing walang dokumentong nagpapakita na nakalabas na ng bansa si Randy Chua tulad ng ibang suspect na kinabibilangan nina Wang Yashi, alyas Aaron de Guzman at Den Shiao Li, alyas Weng de Guzman.

Si Yashi ay umalis sa bansa noong Disyembre 9, samantalang si Li naman ay umalis noong Disyembre 10. Ang dalawa ay kapwa may travel documents.

Dahil dito, agad na nagpalabas ng hold departure order ang Bureau of Immigration laban kay Chua na pinaniniwalaang nagtatago lamang sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sinabi ni Jaraza na matagal na umanong nasa watchlist ang mga suspect matapos na salakayin ang umano’y laboratory nito sa Pampanga noong 1995.

Magugunitang sinalakay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni QC Executive Judge Monina Zenarosa ng Branch 76 ang isa sa sinasabing hideout ng mga suspect sa 6-F Sobrepeña St., Barangay Damayang Lagi, Quezon City.

Tinatayang aabot sa P7.5 milyon ang halaga ng magagawang shabu sa 1,000 kilo ng nakumpiska dito bilang sangkap na 10 kilo ng powdered substance na sodium hydrochloride, liquid chemical na patutuyuin.

Nakumpirma din sa Land Transportation Office (LTO) na pag-aari ni Chua ang nakitang Honda CRV na may plakang XBC-288 kasama ang isang puting L-300 van na nakarehistro sa Region 1. (Ulat ni Doris Franche)

BARANGAY DAMAYANG LAGI

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF INSPECTOR RUDY JARAZA

CHUA

DEN SHIAO LI

DISYEMBRE

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE JUDGE MONINA ZENAROSA

F SOBREPE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with