^

Metro

Bonnet gang kumana na naman, 1 patay

-
Isang 50-anyos na driver ang nasawi, samantalang sugatan naman ang kanyang amo nang harangin at paulanan ng bala ng dalawang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng ‘Bonnet Gang’, kamakalawa sa Quezon City.

Hindi na umabot pang buhay ng isugod sa Veterans Memorial Medical Center ang biktimang si Gonzalo Abagon, matapos na magtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat, samantalang nilalapatan naman ng lunas sa UERM Hospital ang amo nitong si Carmen Moje, 63, retired govt. employee at naninirahan sa 20 Martin St., Carmel II, Project 6, Quezon City sanhi ng tinamong tama sa paa.

Nakilala at kasalukuyang pinaghahanap ang isa sa dalawang suspect na nakilalang si Jose Tactacon, alyas Jojo, 45, ng Pamplona, Las Piñas. Inaalam pa ang pangalan ng kasabwat nito.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon sa kahabaan ng Congressional at Visayas Avenue sa Barangay Culiat ng naturang lungsod.

Sakay ng Suzuki Esteem GLX na may plakang WBZ-315 ang mga biktima nang biglang harangin ng dalawang suspect na kapwa nakasakay sa isang Yamaha motorcycle at nakasuot ng bonnet.

Agad na pinaulanan ng bala ng baril ng mga suspect ang sasakyan ng mga biktima at saka mabilis na kinuha ang dalang bag ni Moje na naglalaman ng P2,000 cash.

Lumitaw na kagagaling pa lamang ng mga biktima sa bangko at nag-withdraw.

Posibleng namonitor ng mga suspect ang galaw ng biktima at inabangan ang paglabas nito sa bangko.

Si Tactacon ay nakilala sa photo gallery ng CPD na mga suspect sa panghoholdap at kasapi sa grupo ng ‘Bonnet Gang’. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BARANGAY CULIAT

BONNET GANG

CARMEN MOJE

DORIS FRANCHE

GONZALO ABAGON

JOSE TACTACON

LAS PI

MARTIN ST.

QUEZON CITY

SI TACTACON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with