^

Metro

Barangay Officials binoga ng tanod, patay

-
Isang tama ng bala sa katawan ang pumatay sa isang opisyal ng barangay makaraang makipagtalo sa isang barangay tanod sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Romeo Aldaya, 37, purok leader sa creek side sa Kasunduan St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Celso Lucero matapos ang pamamaril.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa may barangay hall sa Barangay Commonwealth ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umanong nagmimiting ang mga opisyal ng barangay nang makaalitan ng suspect ang isang purok leader at nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Inawat ng biktima ang suspect na ikinagalit nito hanggang sa mabunton ang galit ng huli sa una.

Agad na itinutok ng suspect ang dalawang sumpak at pinaputukan sa noo ang biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY COMMONWEALTH

BATAY

CELSO LUCERO

DORIS FRANCHE

INAWAT

ISANG

KASUNDUAN ST.

QUEZON CITY

ROMEO ALDAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with