^

Metro

P10-M kargamento hinayjack

-
Tinutugis ngayon ng mga kagawad ng Northern Police District Office (NPDO) ang tatlong tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinaniniwalaang tumangay ng trailer truck na naglalaman ng P10-M assorted plastic products sa Valenzuela City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Jose Marcelo, hepe ng Valenzuela police kay Supt. Marcelino Franco Jr., district director ng NPDO, inabandona ng mga suspek ang uluhang bahagi ng truck na may plakang PYS-553 sa isang McArthur highway, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod.

Isang di-nakilalang testigo ang nakakita sa nasabing truck na iniwan ng isang hindi nakilalang lalaki na nakauniporme ng MMDA.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinangay ng mga suspek ang cargo truck na minamaneho ni Joel Galvez, kasama ang pahinanteng si Cris Timkang, 20, ng Bigwoods Transport Co. noong Linggo, dakong alas-11 ng gabi.

Sa pahayag ni Galvez, dadalhin nila ang cargo truck sa Manila International Container Port nang harangin sila ng nakaunipormeng MMDA.

Agad na pinababa ng mga suspek ang driver at itinali si Timkang bago mabilis na tumakas kung saan natagpuan ang nasabing ulo ng truck habang wala na ang container van nito na naglalaman ng mga nasabing produkto. (Ulat ni Rose Tamayo)

BIGWOODS TRANSPORT CO

CRIS TIMKANG

JOEL GALVEZ

JOSE MARCELO

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

MARCELINO FRANCO JR.

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with