^

Metro

Sekyu patay, 54 sugatan sa paputok

-
Isang security guard ang kumpirmadong nasawi samantalang 54 ang malubhang nasugatan dahil sa paputok, kabilang ang lima katao na iniulat na tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon sa magkahiwalay na pangyayari sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Fairview General Hospital ang biktimang si Israel Bulan, 42, ng #22 Ninada St., Litex Rd., Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) dakong alas-5:30 naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima habang umiinom ito ng kape.

Sa hindi mabatid na dahilan ay nagkasagutan ang dalawang kapitbahay ng biktima hanggang sa umabot sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng argumento ay bigla na lamang bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok sa ere subalit minalas namang tamaan ng ligaw na bala ang biktima na ikinasawi nito.

Kaugnay nito, dalawa sa limang biktima na tinamaan din ng ligaw na bala ng baril ay kinilalang sina Angelo Dizon at Amelia Adolfo na ngayon ay nasa East Avenue Medical Center.

Sa Quezon City Medical Center, apat katao ang isinugod bunga ng mga tinamong sugat mula sa paputok habang dalawang bata ang iniulat na nasugatan naman sa watusi.

Labimpito katao, anim dito ang nasa malubhang kalagayan sa East Avenue Medical Center sanhi rin ng tinamong mga sugat dulot ng paputok. (Ulat ni Doris Franche)

AMELIA ADOLFO

ANGELO DIZON

BAGONG TAON

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

ISRAEL BULAN

LITEX RD

NINADA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with