^

Metro

Karnaper patay sa shootout

-
Isang carnapper ang nasawi matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng District Police Intelligence Unit (DPIU) ng Central Police District (CPD) samantalang dalawa pa katao ang namatay sa naganap ding incident sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Namatay ang isa at dalawang di-kilalang karnaper na tinatayang nasa edad 35-40, may taas na 5’7, payat ang pangangatawan, kayumanggi ang kulay, nakasuot ng maong na pantalon, puting sando at may tattoo sa likuran ng ‘‘Bobby Lang-Caoun." Nakatakas naman ang isa sa kanyang kasamahan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:10 ng madaling-araw ng maganap ang ‘‘running gun battle’’ sa Commonwealth Ave., kanto ng University Ave., Brgy. UP Diliman ng nasabing lungsod.

Namataan umano ng pulisya ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek sakay ng Toyota Corolla na walang plaka kaya pinara nito ito, subalit sa halip ay bigla silang pinaputukan ng mga ito kaya gumanti na rin ng putok ng baril ang mga awtoridad.

Matapos ang putukan ay nakitang duguang nakabulagta ang isa sa mga suspek habang nakatakas ang kasama nito.

Narekober ng pulisya ang mga basyo ng bala, kalibre 357 magnum, patalim at plaka (TWL-758) sa loob ng sasakyan ng suspek.

Samantala, patay na ng idating sa FEU Hospital ang biktimang si Addumujir Jamilon, 32, may-asawa, tricycle driver ng Lilac St., West Fairview ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama .

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ramon Fernandez ng (CPD-CIU), dakong alas-8:10 ng gabi ng maganap ang insidente sa madilim na lugar sa Tulip St., ng naturang lugar.

Naglalakad papauwi si Jamilon sa kanilang tirahan ng pagdating sa madilim na bahagi sa nasabing lugar ay bigla na lamang sumulpot ang di-kilalang suspek saka patraydor na binaril ang biktima.

Bigo naman ang mga doktor ng St. Agnes Hospital na maisalba ang buhay ng biktimang si Jaypee Abelita, 19, binata, pahinante ng Lagusan St., Brgy. Maingin Bukid Balintawak na nagtamo ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa leeg.

Agad namang tumakas ang suspek na si Michael Monforte, alyas ‘‘Canu,’ 17, dakong alas-12:20 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa Riverside Bridge, Brgy. Masambong.

Naglalakad ang biktima ng sumulpot ang suspek mula sa likuran at inakbayan ang biktima saka pinaputukan ng baril sa leeg.

Nang duguang bumagsak ang biktima at tila walang nangyaring naglakad lamang papatakas ang suspek. (Doris Franche)

ADDUMUJIR JAMILON

BOBBY LANG-CAOUN

BRGY

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMONWEALTH AVE

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

DORIS FRANCHE

JAYPEE ABELITA

LAGUSAN ST.

LILAC ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with