^

Metro

Pulis na pumatay ng 3 kapitbahay susuko

-
Sa takot umanong mahatulan ng bitay, nakatakdang sumuko ang pulis at pumatay sa tatlong katao at ikinalubha ng dalawa sa naganap na massacre kamakalawa ng madaling araw sa Pasay City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon kahapon ang pamunuan ng Pasay City Police, na handa umanong sumuko ang suspek na si PO3 Jose ‘‘Joey Salazar, dating pulis Pasay at nakatalaga ngayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), Regional Intelligence Special Operation (RISO).

Pinabulaanan ni Salazar na pinatay niya ang mga biktima na sina Anthony Petilla, 25; Catalino Bautista at Joselito Manlangit, 22 at malubha namang nasugatan sina PO3 Bernard Cubero at Antonieta Petilla, 54.

Sinabi ng naturang suspek na isang shootout at hindi massacre ang naganap at ang kanyang pamangkin na si Salazar ang nagpaputok ng baril.

Ayon sa inisyal na imbetigasyon ng pulisya, dakong alas-12:15 ng hatinggabi noong nakalipas na Lunes ng sunud-sunod umanong paputukan ni Salazar, kasama ang pamangkin (mali ang naunang report na pinsan) nitong si Borbie ang mga biktima.

Nabatid pa kay Salazar na nabigla siya ng ora na iyon at hindi niya alam ang kanyang gagawin kaya siya nagtago.

Natakot umano ang suspek na siya ay mapabilang sa hatol na kamatayan kaya ito sumuko.

Nabatid na inihahanda na ng pulisya ang kasong pagpatay sa naturang pulis at masisibak ito sa kanyang serbisyo.

Bukod dito, nalaman pa rin sa intelligence report ng Philippine National Police (PNP) na ang naturang suspek ay sangkot umano sa iba’t ibang katiwalian, tulad ng carnapping. Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Pasay City Police ang kanyang pagsuko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANTHONY PETILLA

ANTONIETA PETILLA

BERNARD CUBERO

CATALINO BAUTISTA

JOEY SALAZAR

JOSELITO MANLANGIT

LORDETH BONILLA

NABATID

PASAY CITY POLICE

SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with