Double agent na lider ng NPA nadakip
January 1, 2003 | 12:00am
Isang kumander ng New Peoples Army (NPA) na double agent ng intelligence community ang nasakote ng mga miyembro ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) sa isinagawang operasyon sa Sitio 5, Zone 7, Pasong Tamo Extention Western Bicutan Taguig, Metro Manila sa Gate 3 ng Port Bonifacio.
Nakilala ang suspek na lider ng NPA na si Sandy Javier, aka Ka Roy, 39, may-asawa, residente ng Brgy. San Agustin Bula, Camarines Sur at pansamantalang nakatira sa naturang lugar.
Batay sa ulat ng nakarating kay P/Supt. Alejandro Gutierrez, hepe ng CIDG sa kabikolan, ang suspek ay dinakma dakong alas-8 ng umaga kamakalawa habang ito ay nakatayo sa labas ng Gate-3 ng Fort Bonifacio Taguig.
Ang paghuli sa suspek ay base na rin na ipinalabas na warrant of arrest Hon. Judge Rosita Lalwani ng 9th MCTC Nabua-Bato na may cc. no. 8203 sa kasong robbery with homicide at walang kaukulang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Batay sa impormasyon na nakalap ng PSN na ang suspek ay ang pinuno ng sparrow unit na pumatay kay Police Leautenant Florentino Boliver INP na bagong graduate sa PNPA Academy Class 1987 noong July 7, 1987 sa bahay nito sa Barangay Old Antipolo Nabua, Camarines Sur.
Ayon kay P/Cinsp. Luisito Bolivar ang team leader ng grupo ng CIDG na humuli sa suspek na ang kanyang kapatid ay biktima ng suspek na kung saan matapos na mapatay ang kanyang kapatid hindi sila nagsampa ng kaso laban dito dahil sa takot ng kanilang pamilya.
Muling binuhay ng pamilya Bolivar ang kaso ng suspek makaraang mapag-alaman ang madalas na pagyayabang at pag-amin na kanyang pinatay ang isang bagong graduate sa PNPA Academy sa tuwing ito ay nalalasing. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest