3 Kidnaper ng trader sa Mindanao arestado
January 1, 2003 | 12:00am
Tatlong pulis at isang sibilyan ang naaresto sa Makati City makaraang dukutin at holdapin umano ang isang negosyanteng tubong Mindanao kamakalawa sa Quiapo, Manila.
Sa report na natanggap ng Makati City Police Complaint Desk, kinalala ang mga suspek na sina PO3 Robinson Delos Reyes, nakatalaga sa Camp Crame; PO2s Leonardo Doblado, ng #2335 Pasig Line, Sta. Ana, Maynila; Lutgardo Ramirez Lina, taga-MB 34, Unit 304, BCDA, Diego Silang St., Makati City at Teotimo C. Castro III, nakatira sa Doña Juliana St., Filinvest East, Cainta, Rizal.
Kinilala naman ang biktimang si Quimal Pukunum, 29, taga-Ramon Uyungurin, Davao City.
Ayon sa biktima, dinukot umano siya ng mga suspek sa Quiapo Maynila at kinuha sa kanya ng mga ito ang halagang P70,000.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:20 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng J.P. Rizal at Sacramento St., Brgy. Olympia, Makati City, nasakote ang mga suspek kasama ang biktimang si Pukunum, sakay ang mga ito ng isang kulay maroon na Toyota Corolla na may plakang TGU-357 ng mga kagawad ng Police Community Precint 1, Makati City sa pamumuno ni PO2 Gonzalo Acnam.
Mabilis na dinakip ng naturang mga alagad ng batas ang mga suspek. Sa ngayon ay sinasailalim sila sa masusing imbestigasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended