P.3-M paputok nasamsam
December 31, 2002 | 12:00am
Mahigit P.3-M ng mga malalakaas na paputok ang nasamsam ng Manila City Hall-Special Operation Group (SOG) sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila bilang tugon sa direktiba ni DILG Secretary Joey Lina na maging "Firecracker-Free Zone" ang Metro Manila.
Sinugod ng grupo ni S/Insp. Albert Juan at grupo nito ang lugar ng Bustillos, Trabajo Market, sa Sampaloc at Quiapo na lantarang nagbebenta ng mga paputok.
Dinampot ng mga tauhan ni Juan ang may 10 vendor na nagbebenta ng judas belt, super lolo, pla-pla, bawang at iba pang kauri nito.
Kinilala ang mga naaresto na sina Yolie Mosade, Mimon Tarde, Rossana dela Cruz, Isabel Doroma, Edna Dela Torre, Erina Esguerra, Ching Yap, Alex Castor at Michael Ferrario. Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1866 Sec. III na may kaparusahang tatlong buwang kulong at multang P30,000.00.
Ayon sa batas kailangan ang permiso mula sa Firearms and Explosives Unit (FEU) sa Camp Crame upang makapagbenta ng paputok. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended