^

Metro

Babae nakaligtas sa rape ng NBI agent

-
Hindi umano nagawang ituloy ng isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tangkang panggagahasa sa isang 18-anyos na dalaga nang madiskubre na mayroong regla ang huli kahapon ng umaga sa Makati City.

Kaagad na tumakas ang nagpakilalang NBI agent na si John Sandoval, ng 6886 Washington St., Brgy. Pio del Pilar, Makati City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Alicia, ng Malamig st., Teachers Village, Quezon City ay napag-alamang pinaggamit din ng droga ng suspek.

Ayon sa reklamo ng biktima kay PO2 Carina Oliquino ng Womens and Children Protection Desk Unit, Makati City Police, kakilala niya ang suspek at niyaya siya nitong sumama sa kanilang bahay sa Makati City.

Nagtiwala naman ang dalaga at pinaunlakan niya ang paanyaya ng suspek, dakong alas-7:00 kahapon ng umaga nang sila ay nasa bahay na ng suspek ay bigla umano siyang tutukan ng patalim sa leeg at nakalma lamang ito ng gumamit ng shabu kung saan pilit din siyang pinahitit nito.

Matapos pagamitin ng droga ang dalaga ay agad na isinagawa ng suspek ang panggagahasa, ngunit hindi ito tinuloy nang malaman niya na may buwanang dalaw ang babae.

Sa galit ng lalaki, sinuntok niya sa tiyan ang babae at iniwan ang bibiktimahin.

Sinamantala naman ito ng dalaga upang makatakas at agad ding nagharap ng reklamo sa Makati City Police Headquarters. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CARINA OLIQUINO

JOHN SANDOVAL

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE HEADQUARTERS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

TEACHERS VILLAGE

WASHINGTON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with