Most wanted sa Caloocan nasakote
December 31, 2002 | 12:00am
Kasamang magbabagong taon ng tinaguriang Caloocans most wanted ang kanyang mga kasamahan sa kilabot na Bulabog Gang sa kulungan nang maaresto ng puwersa ng Caloocan City Police sa isinagawang pagsalakay sa bahay nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kinilala ang leader ng Bulabog Gang na mayroong 14 counts of murder na personal nitong isinagawa na si Dennis Manalo, 20-anyos ng Phase 7A, Blk. 17, Pkg. 10, Lot 29, Bagong Silang, Caloocan City.
Ang suspek ay nadakma sa bisa ng warrant or arrest na ipinalabas ni Judge Myrna Dimaranan Vidal ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 127.
Nabatid na isang impormante ang natanggap ng Caoocan City Police hinggil sa paglutang ng suspect sa nasabing lugar kung kayat agad na binuo ang "Task Force Kidlat" upang madakip si Manalo.
Ilang araw at gabing binantayan ng nasabing task force ang paligid sa tinutuluyang bahay ng suspek at hindi naman nabigo ang mga ito nang lumutang kamakalawa ng gabi si Manalo at agad na nadakma.Sinasabing si Manalo na leader ng nabuwag na Bulabog Gang ay may patong-patong na kaso ng hold-up, robbery with homicide bukod pa sa 14 na pagpatay na personal nitong pinamunuan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended