^

Metro

Konsehal nag-amok: Tiyuhin patay, 1 grabe

-
Posibleng pagkalulong sa droga kaya nag-amok at namaril ang isang konsehal ng Ilocos Norte at napatay ang kaniyang tiyuhin na driver/bodyguard na ikinasugat din ng isa pang kasambahay sa Quezon City kahapon ng umaga.

Makaraan ang ilang oras na negosasyon ay napasuko rin ng kanyang kakambal na si Emmanuel at Quezon City Fiscal Pilar ang suspek na si Konsehal Clarence ‘Jojo’ Pilar ng Bacara, Ilocos Norte.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Danilo Amboy, stay-in sa No. 12 Montenegro St. Brgy. San Antonio sa nasabing lugar sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa likod.

Si Amboy ay tiyuhin ng asawa ng suspek at naninilbihan sa konsehal bilang personal na driver at bodyguard nito.

Kasalukuyan naman nasa kritikal na kondisyon sa Quezon City General Hospital ang sugatang biktima na si Romeo Rasay Dumingcil makaraang magtamo ng isang tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ulat ni PO1 Edwin dela Cruz ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), dakong alas-9:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa tinutuluyang bahay ng suspek sa #12 Montenegro St., Brgy. San Antonio Quezon City.

Ayon sa mga residente na napansin nila na may nagaganap na kaguluhan sa nasabing bahay matapos ay nakarinig na lamang sila ng malakas na putok ng baril mula sa loob ng bahay at nang alamin nila ay nakabulagta at duguan na ang mga biktima.

Napag-alaman na may apat na araw nang hindi natutulog ang suspek na umano’y mga palatandaan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o shabu ang suspek.

Samantala, ilang anggulo ang tinitingnan ngayon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente kabilang dito ay ang ilegal na droga. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO AMBOY

DORIS FRANCHE

ILOCOS NORTE

KONSEHAL CLARENCE

MONTENEGRO ST.

MONTENEGRO ST. BRGY

QUEZON CITY

QUEZON CITY FISCAL PILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with