1-anyos tinamaan ng ligaw ng bala
December 29, 2002 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ang isang batang lalaki makaraang tamaan ito ng ligaw na bala sa ulo kahapon ng umaga sa Taguig.
Ginagamot sa Saint Claire Hospital ang biktima na nakilalang si Bryan Paglikawa, 1-anyos, residente ng #10 Estina St., Zone 6, Barangay Signal Village ng bayang ito.
Samantala, blanko pa ang pulisya kung sino ang taong responsable sa pamamaril.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Sa salaysay ng ina ng biktima na si Babylyn, 29, naglalaba siya ng mga oras na iyon habang iniwan niya sa loob ng kanilang bahay ang biktima na natutulog.
Ilang minuto lang ang nakalilipas ng siya ay hilahin ng apat na taong gulang na anak na lalaki para pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Laking gulat ng ginang nang makita niyang duguan ang ulo at tirik ang mga mata ng anak.
Ayon sa mga doktor, may balang tumama sa ulo ng biktima na sa teorya ng pulisya ito ay tinamaan ng ligaw na bala. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended