^

Metro

Pansuweldo hinoldap ng apat na armado

-
Posibleng maging tuyo ang media noche ng mga kawani ng isang kumpanya sa pagdiriwang ng kanilang Bagong Taon, makaraang holdapin at tangayin ng apat na armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng payroll-robbery hold-up syndicate ang pansuweldo sa kanila na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa kalahating milyong piso kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Ayon sa pahayag sa pulisya ng biktimang si Raquel Ilag, may sapat na gulang, secretary ng RDC Trading na pag-aari ni Renato Dela Cruz na matatagpuan sa Impex Compound, Brgy. Pamplona ng lungsod na ito. Nag-withdraw sila ng naturang halaga sa Metro Bank upang pansuweldo sa kanilang mga kawani.

Nabatid na dakong alas-3 ng hapon habang sakay sila ng kulay pulang Elf Isuzu pick-up na minamaneho ni Reynaldo Dela Cruz at binabagtas ang kahabaan ng Real St., Alabang-Zapote Road, Brgy. Talon 2 ng nabanggit na lungsod nang biglang harangin sila ng apat na kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at sakay ng dalawang motorsiklo.

Tinutukan ng baril ang mga biktima at walang sabi-sabing kinuha ang payroll money na nakatakdang ipasuweldo sana sa mga kawani ng naturang kumpanya.

Matapos tangayin ng mga suspek ang naturang halaga, mabilis na nagsitakas ang mga ito.

May hinala ang pulisya na minamanmanan ang mga biktima habang ang mga ito ay nagwi-withdraw ng pera sa nabanggit na bangko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALABANG-ZAPOTE ROAD

BAGONG TAON

BRGY

ELF ISUZU

IMPEX COMPOUND

LAS PI

LORDETH BONILLA

METRO BANK

RAQUEL ILAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with