^

Metro

May iba si mister, inireklamo ni misis

-
Isang senior analyst ng Social Security System (SSS) ang ipinagharap ng reklamo sa pulisya ng isa sa kanyang misis kahapon matapos umano itong magpakasal ng dalawang beses sa Makati City.

Nahaharap sa kasong bigamy ang suspek na nakilalang si Arturo Cabanilla, 52-anyos, ng Lea St., North Fairview, Quezon City.

Ang nagharap ng reklamo ay si Salvacion Cabanilla, 48, negosyante, residente ng #4457 A. Montojo St., Barangay Singkamas, Makati City.

Sa reklamo ng ginang, nagduda siya na may ginagawang milagro ang kanyang mister nang ito ay kanyang sundan.

Nagtungo ito sa tinutuluyang bahay ng kanyang mister at nagtataka siya na hindi siya pinapasok hanggang sa nadiskubre niyang may iba itong babaeng kinakasama.

Nadiskubre ni Salvacion na ang babaeng naabutan niya ay unang asawa ng kanyang mister na pinakasalan nito noong 1979.

Sa paliwanag ng suspek, sinabi nito na "peke" ang kasal niya sa kanyang unang asawa, ngunit hindi naniniwala si Salvacion.

Kaya’t ipinagharap niya ito ng reklamo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARTURO CABANILLA

BARANGAY SINGKAMAS

LEA ST.

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MONTOJO ST.

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

SALVACION

SALVACION CABANILLA

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with