^

Metro

6 na cellphones kinotong ng VRB agents sa Chinese trader?

-
Anim na brand new Nokia cellular phones na nagkakahalaga ng P44,800 ang umano’y kinotong ng mga ahente ng Central Investigation and Detection Group na nakabase sa Videogram Regulatory Board (CIDG-VRB) sa isang Chinese businessman na hinihinalang pinagmumulan ng malaking supply ng mga piniratang vcd’s at audio cd’s sa Maynila.

Nabatid mula sa source ng PSN na ang grupo ng VRB na pinamumunuan ni S/Insp. Marlon Catan na siya ring inireklamo ng panggugulpi ng Intsik na si Jason Sy ng Manila City Plaza ang umano’y nangotong ng mga mobile phones na kinabibilangan ng (2) 8250, (2) 8210 at (2) 3350 sa negosyante.

Ang nasabing mga unit ng cellular phones ay upang hindi na umano arestuhin si Sy sa paglabag umano nito sa Anti-Piracy Law, pero binitbit pa rin ito ng grupo ni Catan makaraang gulpihin ito kamakalawa sa loob ng MCP kung saan naroroon ang stalls at umano’y stockroom ng mga pirated vcd’s at cd’s ni Sy.

Kabilang sa mga inaresto ng grupo ng VRB ay ang MCP Bldg. Administrator na si Julie Sta. Maria, MCP Operations Manager, Terence Yap at ang security guard na si Alex Alvarez.

Nabatid na hanggang ngayon ay naka-detain pa ang apat sa tanggapan ng CIDG-VRB matapos na ma-inquest ang mga ito sa Office of the City Prosecutor ng Maynila kamakalawa ng gabi.

Gayunman, nabunyag sa PSN kahapon na sa apat na inaresto ng grupo ni Catan ay sina Sta. Maria, Yap at Alvarez lamang umano ang sinampahan ng kasong Obstruction of Justice habang walang linaw kung ano ang kasong kinakaharap ng nagulping si Sy.

Nangangamba si Sy gayundin ang mga kasamahan nito na abutin sila ng Bagong Taon sa detention cell ng CIDG-VRB dahil sa ginawang pagbubunyag ng trader sa media. (Ulat ni Andi Garcia)

ALEX ALVAREZ

ANDI GARCIA

ANTI-PIRACY LAW

BAGONG TAON

CENTRAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JASON SY

JULIE STA

MANILA CITY PLAZA

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with