Chinese trader bugbog sarado sa tauhan ni Bong Revilla
December 28, 2002 | 12:00am
Isang Chinese trader sa Manila City Plaza (MCP) , Quiapo, Manila ang lumasap ng matinding gulpi bago inaresto kasama ang tatlo pang empleyado ng pamilihan ng mga elemento ng mga tauhan ng pulisyang nakadestino sa Videogram Regulatory Board kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Jason Sy, 56, pansamantalang naninirahan sa Quiapo, Manila.
Nabatid sa ulat na umaga pa lamang kamakalawa ay nakaabang na ang mga miyembro ng CIDG-VRB na pinamumunuan ng isang S/Insp. Marlon Catan sa gate ng nasabing pamilihan upang magsagawa ng umanoy clearing operations.
Ngunit nang harapin ito ng administrator ng MCP na si Julie Sta. Maria ay napag-alaman na wala itong dalang legal na dokumento na nagbibigay permiso upang masiyasat ng grupo ng VRB ang kanilang paninda, gayundin ang mga imbakan o stockroom ng mga ito.
Napag-alaman na umalis din kaagad ang mga awtoridad ngunit kahapon ng umaga ay muli itong nagbalik at armado na ng bolt cutter at pilit na pinalalabas ang isang nagngangalang Jason Sy na umanoy may pinakamalaking paninda ng pirated vcds at audio cds.
Partikular na tinutukoy ng grupo ni Catan ang stall 56 na nakasara at sinasabing pag-aari ni Sy.
Dahil ayaw umamin ni Sy na kanya ang nasabing stall ay nagkaroon ng komprontasyon hanggang sa humantong sa panggugulpi ng grupo.
Agad na dumalo si Sta. Maria at ang Operations Manager ng pamilihan na sina Terence Yap at ang guwardiyang si Alex Alvarez, ngunit ito man ay walang nagawa at kasama ring binitbit ng mga awtoridad at kinumpiska pa ang two way radio na gamit ni Alvarez. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended